Tuesday, 12 February 2008

2007_04_01_archive



Two weeks na rin pala since I bid my last farewells and goodbyes to my

dear high school life. Maraming mga alaala akong naipon na pwede kong

i-treasure for the rest of my life. I'll never forget such a wonderful

happening into my life.

June 5, 2006

First day ng aking fourth year life bagong taon, bagong klasmeyts,

bagong karanasan. May hang over pa ko dito ng aking masaya rin Third

Year. Lagi ko naman itong nararamdaman on the first day of each school

year. Di maiiwasan mai-compare yung past dito sa present. Noong una

kala ko talaga eh napaka boring, korni, nonsense, at malungkot sa

section ko na ito na MAGSAYSAY. kasi naman na feel ko masayado nang

nasala ang mga tao doon at lahat ay puro aral aral at aral lang ang

alam. di gaya ng Gomez na dati na sobrang gulo at enjoyable.

Pero habang dumaan ung mga panahon na feel ko na lng waw masaya pala

dito. Ung mga first impressions ko sa section na ito ay bumaligtad. Sa

tulong na rin nito ng aming first "class bonding" ang ILIAD. Isa ito

sa mga nangyari sa kin na never kong kakalimutan o ipagpapalit. Dahil

dito mas nakilala namin ung isa't isa at pati na rin ung mga sarili

namin. Maraming mga pagsubok na nangyari habang nag rerehearse kami ng

mga scenes. Nagkaroon ng mga alitan, tampuhan, at iyakan. Idagdag mo

pa ung mga pang gigipit ni T.Jinky-doo. lagi niya na lng kami sinisita

kaya na feel tuloy namin na ginagawa niya yun kasi ayaw niyang

mahigitan namin ung kanyang section. Pasensya na sa mga Quezon na

makakabasa nito pero un talaga ung nafifeel namin. Pero dahil sa mga

pagsubok na ito mas naging matatag ang aming pagsasamahan. Natapos rin

ang Iliad matapos ang napakahaba at nakakapagod na practices. Pero it

paid-off naman kasi humakot kami ng mga awards. kaya proud na proud sa

amin si T. mario ang aming butihing guardian.

Haayy madame pa sana akong gustong sbihin tungkol sa Iliad na pero

kelangan ko na mag move sa susunod.

Next time na lng pag sinipag ako.eto na ung next na hinding-hindi ko

malilimutan ay ung retreat. Nagkaroon ako ng chnce na mas makilala pa

ang aking mga klasmeyt na sin Anna, Joselle, Miguel, Arlae, Arianne,

at Jehan. Dahil naging ka-grupo ko sila sa aming mga sharing. Madami

silang nakwento tungkol sa mga karanasan, problema, at hinagpis nila

sa buhay. Masaya talaga. Pero nakakalungkot dahil di ko naibigay ung

full participation ko kasi di

talaga ako makwento mas more of a listener lang talaga ako. Secretive,

thats me. Kaya group mates pasensya na.

Sunod naman eh ung aming english jingle na "Be the One". Amazingly two

days lang namin nagawa ung jingle super cram dahil sa napakaraming

activities. kaya naman right after ng retreat doon lng kami nagkaroon

ng chance na ma-accomplish ung activity. pero kahit ganoon nag-shine

ulit kami kasi kami ang nanalo in the whole high school department.

Nakakatuwa talaga. Hangang ngayon ay nagpeplay pa rin ung melody nun

sa aking utak, kasi super unforgettable talag nun. Hayy grabe.

Next in line eh ung foundation day practices. Hindi ko rin siya

makakalimutan dahil dahil dito na-enhance ung ability kong sumayaw.

yeah. haha, kahit di ako magaling eh ginawa ko ung best ko para di

magmukhang tanga habang nagsasayaw.

Next na ung Christmas Party one of the most unforgettable talaga to.

Hindi dahil sa mga magagandang memories, pati na rin dahil sa isang

napakasamang dilemma na dumating. Isang delubyo. Isang malaking

nakawan ang nangyari. Isa sa aming mga klasmeyts (hmm kilala neo na!)

ang nagnakaw ng n90, isang samsung na pink, isa pang nokia phone,

recharchagable batteries, at USB flash disk. Bigtime ung nagnakaw

noh?!? Sarap patayin grabe. natapos nalang ung taon eh di pa siya

umamin hay nakow naman talaga.

Cyempre itong next event na ito ung di talaga pwedeng kalimutan ang

SENIORS PROM..:( kasi naman maganda na sana ung venue kea lang super

bitin! Panget pa ung mga pagkakasunod sunod ng mga songs. Tapos ang

masaklap pa eh ung last dance song ay Buttercup! Leche naman un.

madami tuloy ung nabitin at nainis. Marami pa naman sanang magtatapat

ng kanilang pag-ibig pero naudlot. nakakabadtrip un di ba.

at ang last but not the least ang di ko madescribe na Graduation.

Mixed emotions kasi ung nararamdaman ko. Pero nangunguna ung

pagkalungkot. Dahil un na ung huling araw ng aming fourth year pero

Magsaysay pa rin kami kahit ilang graduation pa ang dumaan. Noong grad

marami talagang mga umiyak at nalungkot. Dahil siguro sa mga alaala na

nabuo mahirap itong iwanan sa apat na sulok ng aming paaralan. Pero

kahit ganoon alam ko naman na hindi pa iyon ang katapusan. Simula pa

lamang ito.

Sa aking mga klasmeyts may mga bagay na nagpapaalala sa kin sa kanila,

eto ung mga un in alphabetical order boys muna:

Abon. Mark Jay - Ung mane n tale. kasi naman tinutukso siya dun malago

daw kasi ung buhok. pero kahit ganoon napakabait nitong klasmeyt kong

to. Di siya madaling magalit mahaba ung pasensya nea.

Azagra, Joseph Rafael - Ang aming presidente, di ko malilimutan ung

kanyang kasipagan, at pag-alala sa kanyang mga klasmeyts.

napakaresponsableng tao na iniisip muna nea ung iba bago ung kanyang

sarili.

Bello, Vincent Jay - Maliit pero basket ball player. Napangasar to

grabe pero alam nea naman ung barriers nea, pero minsan di maiiwasan

maasar ung iba naming klasmeyts dito. Heartthrob din ng lower batches

kahit ganito kaliit at may boses ng palakang ipis. haha...

Bibat, Divino Orlando - kala mo sa una super ingay, gulo, bully which

is true. Pero looking on his other side makikita mo ung sweetness sa

kanya at pagiging maunawain sa ibang tao. Pero once na napuno to,

sumasabog talaga kaya mahirap itong magalit.

Dizon, Joh Joseph - Mdalas siyang tuksuhin sa min. Ewan ko ba lagi na

lng siya ung napupuna. Kahit ako minsan inaasar siya pero tumitigil

din ako kasi narerealize ko na masakit din sa damdamin. Pero kahit

ganoon nalang ung trato sa kanya eh mabait pa rin siya sa aming mga

klasmeyts. Matulungin sa math, science, anal geom.

Efondo, Miguel Kristoffer BRIAN - Ang aming resident palm reader.

malalaman nea ung special someone mo by just looking into your palms.

mabait din naman tong taong to kahit papaano wahahah. Masaya

katuksuhan kasi di siya mauubusan ng kung anu anung mga pang-ookray..

wahaha

Faral, Billy Joel - Isa sa mga pinakatahimik na tao sa room.

Magsasalita lng to kung tatanungin mo o kea kasama niya ung mga

friendly friends nea sa room. Bihira mo siyang makikitang magrecite

pero pagdating sa acads mataas ung mga scores nea.

Flores, Gerald Peter - anu bang masasabi ko sa taong ito. pag may

napanood tong isang palabas di ka nea titigilan sa pagkekwento.

mapupurga ka na lng sa pakikinig kasi paulit ulit. ung tipong lahat na

lng ng bagay na makita niya eh marerelate niya sa napanood nea. Hay

basta.

Galan, John Kenneth - ang pinakamagaling sa math di lang sa room namin

kundi sa buong batch. sobrang matulungin pag may di ka naiintindihan

basta computation lapitan mo lng at ma-eexplain niya ito clearly at

madali mong mauunawaan ung topic..

Gomez, Reinhold - mahilig siyang i-pair up sa iba naming klasmeyts.

Ewan ko kung bakit wahah.. kung sa bagay may itsura naman siya kahit

papaano kea ok lng. mabait din at never ko pa itong nakitang magalit o

mapikon pag tinutukso. dahil kahit anong gawin mo eh ngingitian ka lng

nito.

Maalihan, Raymond - Tahimik lang siya pero pag kinausap mo eh may

sense. Pag inasar mo di rin papatalo aasarin ka rin nito. Pag

tinitigan mo kala mo anghel pero sa totoo lng eh isa siyang little

devil.. Hahahaha...

Masiglat, Ruther John - Computer Genuis. Kahit anongng tungkol sa

computer eh alam. Kala mo tahimik lng siya pero pag nakilala mo eh

makikilala mo ang bagong ruther na makulit at cyempre romantic..

Yikee.. hahaha.. Kala mo tahihimik lng pero may luvlife din pala..

hahha

Noche, Domingo - Magaling sa science. Sobrang magulo maingay

mapangasar. Dun siya nakilala ng aming mga teachers. stand out talaga

siya pagdating dun walang kapalit, lalo na pag nagsama sila ni Divino.

Aww kawawa naman ung biktima nila.

Ramos, John Oliver - No comment..

Reyes, Orland Louie - Ang pinakamaliit naming klasmeyt. Tawag nila eh

BUNSOY. hehe bagay naman eh. Magulo din ito minsan minsan naman mabait

din. Matulungin sa mga bagay bagay na kailangan mo ng tulong.

Sta. Maria, Danico - Bigatin hahha... Pinakamalaki sa room namin.

Super lakas mang-asar favorite victim sa Jana. inaasar nea tong baboy

parang siya endi.. tanggap nea na naman daw eh. pero kahit ganito siya

marami daw nagkakacrush sa kanya di ko lng kilala.

Villones, Ding Jerrel - Ang aming taga-abono whenever may kulang na

babayaran. Nakakawa din siya minsan pag nangongoloekta kasi may mga

klasmeyt kami na mahirap singilin. kea tuloy pag kulang eh

inaabonohgan nea na lng tapos d na ata nababayaran sa kanya eh.

Abella, Ana Dominique - Isa sa aming mga leaders. magaling siya

magmotivate. Super makwento din siya at madami siyang mga bagay na

maisheshare sa iyo at kapupulutan ng aral. Magaling din siya magkwento

ng el fili. Kaya pag di ka nakapagaral eh lapit lng sa kanya at

kekwentuhan ka nito.

Alindogan, Alyssa - Super tahimik ng taong to. Bihira lng ito magingay

pero pag nag-ingay eh todo todo. Super bait din at mapagbigay. She's

willing to help you whenever you need her.

Alvarez, Allysa Lou - Boses bata. Super din mangasar hilig niyang

asarin si domeng. Pero masasabi ko na madalas siyang talo haha.. Un

lng naman ung na-oobserbahan ko. Maingay din to pag nakadaldalan mo.

Pero masipag siya sobra. Madalas ko siyang makitang nagkukumpleto ng

lectures pag walang gingawa.

Aquino, Angeline Sarah - Isang sabog na tao. Haha Pero masaya kasama.

Mahilig siyang magcomment na minsan eh sobrang layo na kaya naman lagi

siyang inaasar ni danico. Pero nakakatawa ung mga comments nea kea aus

lng.

Austria, Amherstia - Isang tao na lagi na lng umiiyak dahil sa estado

ng kanyang lablayf. lagi silang nagaaway ng kanyang boyfrend pero

kahit ganoon eh naaus nila ito at nagsasama pa rin sila ng mapayapa.

Bugaoisan, Joanne - Mahilig mang-asar. Pag inasar mo eh di siya

papatalo. Di ka nea sasantahin pagdating doon. Kaya mag-iingat kau..

hahah.. wala na kong masabi anu ba to..

Ching, Kryzl - Artist. Master sa pagdodrawing and art and stuff. Un

nga lang madalas mag-absent. Sakitin ata siya eh o may problem ah

ewan. Tahimik din tong taong to, minsan lng magingay. mabait at

matulungin siya sobra.

Clarete, Arianne - Ang aking favorite! Favorite asarin. haha, Lagi ko

na lng siyang inaasar sa utos ng aking mga klasmeyt na sina AJ at

migelito. Di naman ako tumatanggi kasi masarap siyang asarasarin.

hahah.

Cruz, Janadale - Favorite naman tong asarin ni danico haha.. madalas

siyang umiiyak dahil dun lagi kasi siyang talo eh. Pero napakabait ng

taong ito. marami siyang mga bagay na makwekwento syo.

Delos Reyes, Joselle Anne - Corpse Commander. Sa unang tingin kala mo

sobrang iritable pero pag nakilala mo siya marerealize mo na mabait

siya. Mahilig siyang magbigay ng mga comments na minsan ay tama pero

di nea lng ito mai-voice out. Maybe because she is thinking na baka

mapahiya lng siya.

Destreza, Maxine Maye - Maraming lablayf sa loob at labas ng room.

maraming mga lalaki ang nagkakagusto dito. pero khit ganoon eh free pa

rin siya. Di niya rin kinakalimutan ang kanyang pag-aaral. Mabait din

at fun to be with. Super makwento caring and sweet din. Kea swerte

mapapangasawa nito.. hahah..

Domingo, Angelica - super kulit na bata. Masarap din siya kasama, di

siya mahirap pakisamahan. minsan may pag kaweird pero natatawa na lng

ako.

Gabito, Jessica - Mahilig siyang asarin. minsan naaasar din. Pero

madalas di nman. Mahaba nga ang pasensya ng babaeng ito. Minsan lang

siya magalit sa isang tao. Di siya nagagalit sa maliliit na bagay lng.

Pero pag lumaki na to sasabog na rin siya.

Laranang, Arlae - Mahilig din siyang asarin na black dahil sa

complexion na. Pero aus lng naman sa kanya un. Di siya naaasar dun.

pero pag tinawag mo siyang JOBERT na pauso ni AJ ay nakow magkakaroon

ng gera hahah..

Maleficio, Adrienne - Mahilig niyang asarin si Arlae. Masaya din siya

kasama lalo na pag nakikipagasaran. minsan ay madalas pala tag team

kami nito sa pangaasar lalo na kay arianne hahah.. Si arianne naman as

usual laging talo. Kea in the end lagi na lng kami tumatawa nito.

Maturan, Jehan - hmm.. One of my close freinds not only in magsay but

throughout my highschool life. Grade six kami ng maging klasmeyt. She

is fun to be with at nanglilibre madalas. hahaha.. Minsan kahit joke

lng tinototoo kea masaya haha..

Melencio, Rochelle - Si chocolate gurl. mahilig siyang magtinda ng

chocolate at mahilig din cyang mag ice sikating. inaasar ako nina

migelito dito. haha pero di naman nila ako naasar.. kasi di naman

totoo di ba.

Melencio, Rosa - Isa sa mga pinakacreative sa room. Gusto nea lahat ng

works nea ay maganda at best for her. kaya naman dahil dun eh lagi

siyang na lelate sa pagpapasa na kung minsan ay di niya na ito

napapasa. pero kung sa totoo lng pag napasa nea lahat ng requirements

nea may malaking possibility na ma top to. magaling talaga kasi siya.

Montoya, Joanna - Mabait na klasmeyt. Mapagbigay at magaling din. She

is willing to help you whenever she can. kahit saan pang problema yan

sa acads o personal maasahan mo siya.

Obnamia, Erica - Super tahimik na bata. Pero pag nakausap mo marami

siyang maidadaldal sa iyo. Matutuwa ka sa kanya. kala mo sa una eh

masungit dahil sa kanyang dating pero sa totoo magulo to at mabait.

Palac, Anna - malufet sa mag motivate, galing mag lead, at da best sa

acads. Multi talented person ito. Mapagsasabaysabay nea ung mga extra

curricular activities nea at acads. Though di na cya masyadong

nageexcell ngun like dati di nman siya bumabagsak. At sa totoo lng mas

maganda ung ganitong anna keysa dati na pro aral. ngaun natutuo na

syang mag laro ng computer games haha DOTA.. balita ko malakas na daw

siya eh.

Rendon, Michelle - Ang taong laging wala sa room. Haha lagi siyang

tumatambay sa labas kahit may klase. pero nakecarry nea naman eh.

Kahit wala siya eh d naman siya bumabagsak sa aking pagkakaalam.

Makwento din siya mavait. Mahilig magtext kahit exams. Kea kung

kelangan mo ng textmate text mo lng siya.

Rosales, Karen - palabang tao sa magsay. Willing to risk her life

basta alam nea na nasa tama siya. un nga lng minsan eh nahihiya siyang

mag voice out. Pero pag sumabog na siya eh hmm magready ka na kasi di

ka nito tatantanan. pero kahit ganon siya napakabait naman nea. Caring

din.

Velasquez, Ahren - Ang isa sa aming hearthrob. maraming nagkakagusto

dito. sa klasrum pa nga lang eh pinagaagawan na na siya. panu pa kea

sa labas. Di naman kasi maikakaila ung kanyang kagandahan eh, isa

siyang perfect image ng beauty and brains at samahan mo pa ng heart.

kasi sobrang bait niya at mapagbigay.

At cyempre si..

Esperanza, Mariano - ang aming napakalaking adviser. na kung gaano

siya kalaki physically eh ganun din kalaki ang puso niya. Never pa

siyang nagalit sa min. tampo oo. pero whenever na na feel na namin un

eh gumagawa na kami ng paraan na maaus un para di na lumaki. Marami

siyang mga bagay na naituro sa min. Never nea kamuing inwan sa ere ng

nagiisa sa bawat pagsubok namin lago siyang nandun para masandalan.

Un na lahat ng aking mga klasmeyt. hinding hindi ko talaga sila

makakalimutan o ipagpapalit. Dahil bawat isa sa kanila ay di lng

tumatak kundi naging bahagi na ng buhay ko. forever na sila sa aking

puso at isipan. alam ko di pa ito ang huli marami png susunod na

pagkikita. Sana walng kalimutan dahil ganoon ako...

Sobrang ma mimiss ko talaga kau. ung mga bonding moments natin.

halakhakan.

bungisngisan.

tawanan.

sapakan.

asaran.

tampuhan.

iyakan.


No comments: